-- Advertisements --

Naniniwala ang Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP–CIDG) na mayroong ibang mga kasamahan pa ang mga naarestong nilang indibidwal na nagbebenta na ng mga gasolina o tiantawag na ‘paihi’ scheme.

Sinabi ni CIDG National Capital Region (NCR) chief Col. John Guiagui na posibleng hindi lamang sa lungsod ng Navotas kung saan naaresto ang tatlong kalalakihan sa nasabing modus at sa halip ay tintignan nilang maaaring malawak ang operasyon ng nasabing grupo.

Nagiging talamak aniya ito dahil patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Naaresto ang mga suspek sa pamamagitan ng surveillance kung saan nakuhanan ang mga ito ng 20,000 liter fuel tanker at 40,000 liter fuel tanker na nagkakahalaga ng P6.66 milyon.