Hindi apektado ang Gilas Pilipinas Women sa pagkatalo nito sa Team Japan sa huling group-stage game sa 20th Asian Games women’s basketball tournament.
Pinadapa kasi ng Japan ang PH national team, 89-67, sa tulong ng dominanteng performance mula sa starters ng host country.
Mistulang mismatched din ang rebounding matapos ibulsa ng Japan ang 42 rebounds sa kabuuan ng laban habang 30 lamang ang naisagot ng Team PH. Sa 42 rebounds ng Japan, 24 dito ay pawang offensive rebs.
Ito ang first loss para sa Gilas Women sa gitna ng kanilang maganda nitong record sa group stage.
Sa kabila ng pagkatalo, tuloy ang kampaniya ng Gilas Women sa nagpapatuloy na Asian Games 2026.
Dati na kasing nakapasok sa quarterfinals ang Team PH bago pa ang laban sa Japan, at may tyansa na itong makakuha ng bronze medal o mas mataas pa.
Sa ngayon, hinihintay pa ng Gilas Women ang kanilang makakalaban sa QF na maaaring China, Indonesia, o Chinese Teipei.















