Aminado si Sen. Jv ejercito na nalungkot siya nang muli niyang makita si dating pangulong Rodrigo Duterte sa status conference ng International Criminal Court (ICC) nitong Miyerkules.
Sinabi ni Ejercito na matagal na niyang hindi nakita si Duterte at kapansin-pansin umano ang pagbabago sa dating pangulo.
Ayon sa Senador, nakita niyang masyado nang payat at marupok ang dating pangulo, na mahaba rin ang buhok.
Sinabi ni Ejercito na mas naging mabigat para sa kanya ang pagkakita kay Duterte dahil dati niya itong nakatrabaho, partikular sa mga infrastructure project ng dating administrasyon.
Kabilang sa mga proyektong binanggit niya ang build, build, build program, north-south commuter Railway at Metro Manila subway.
Gayunman, sa usapin ng ICC case ni Duterte, sinabi ni Ejercito na dapat hayaan ang proseso ng hustisya na umusad.















