-- Advertisements --

Naniniwala si House prosecutor Atty. Lorna Kapunan na ang hayagang pag-acknowledge ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte’s sa mga kontrata ng Gencorp Industries Inc. ay maaari nang ituring bilang direct admission ng conflict of interest.

Tinukoy ng abogado ang P33.3 million halaga ng kontrata ng Gencorp Industries Inc. sa Davao City, na kasalukuyan nagyong pinamumunuan ng dating presidential son.

Una kasi itong inamin ni Mayor Baste, kung saan nirepaso umano ng LGU ang mga kontrata ng Gencorp at natukoy na umaabot ito sa P33.263 million.

Ang naturang halaga ay sa ilalim ng 19 kontrata.

Ayon kay Atty. Kapunan, maaaring ituring ang pahayag ni Mayor baste bilang admission ng conflict of interest ng pangalawang pangulo na umano’y bahagi ng operasyon ng naturang kumpaniya.

Ang Gencorp ay isa sa mga kumpaniya na nakalista sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng pangalawang pangulo.

Una na ring sinabi ni Mayor Baste na hindi niya batid ang umano’y interest ni VP Sara sa naturang kumpaniya.