-- Advertisements --
Hinamon ni Finance Secretary Frederick Go ang Bureau of Customs na maabot ang P1-trillion na revenue collection ngayong taon.
Sinabi ni Go na kayang-kayang maabot ng BOC ang nasabing halaga dahil sa mga repormang ipinatupad nila.
Matagal na aniya nilang tinatarget ang nasabing halaga subalit sadyang naging mailap subalit dagdag pa ni Go na kumpiyansa itong makakamit na ito ngayong taon.
Noong 2025 kasi ay nagtala ng P934.4 Bilyon na koleksyon ang BOC na mas mataas kumpara noong 2024 na mayroong P916-B.
Hiniling din ni Go sa BOC na ibenta lahat ang mga mamahaling sasakyan na pag-aari ng mga sangkot sa flood control project anomalies para maging revenue rin ng ahensiya.
















