Hiniling ni Senator Bam Aquino ma magsagawa ng pagdinig ang senado kaugnay ng planong ipatupad ng partment of Education (DepEd) na trimestral system para sa School Year 2026-2027.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Basic Education, sinabi ni Aquino na mahalagang masuri at mapag-usapan ng Mabuti ang reporma bago ito ipatupad. Aniya, dapat munang sumailalim sa malawakang konsulatasyon ang panukala upang matiyak na hindi ito maisasakatuparan ng padalus-dalos. Bagama’t suportado ng komite ang mga repormang tutugon sa learning gap at magpapagaan sa mga gurong kasalukuyang nabibigatan sa non-teaching tasks.
“Sisiguraduhin natin na may Senate Hearing tungkol sa repormang ito, para suriin at pag-usapan ito…Bago ipatupad ng DepEd ang trimestral system, mahalagang sumailalim ito sa malawakang konsultasyon” ani Aquino.
Matatandaan nauna nang inihayag ng DepEd na pinag-aaralan nito ang pagpapatupad ng trimestral system bilang bahagi ng isang “holistic approach” sa mas balanseng time management ng mga mag-aaral at mas maalwan na pagtuturo ng mga guro.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng panukala na magkaroon ng mas mahaba at tuloy-tuloy na panahon ng pagkatuto, mas maayos na takbo ng mga aralin, at mas mahabang pasanin sa mga guro upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon.
Sa ilalim ng iminungkahing sistema, hahatiin sa 201 school days sa tatlong termino: Hunyo hanggang Setyembre, Setyembre hanggang Disyembre at Enero hanggang Marso. Kung saan, bawat termino ay magkakaroon ng 54 hanngang 61 araw na tuloy-tuloy na instruksyon na may kaunting pagkaantala para sa non-academic activities at enrichment blocks.
Samantala, inaasahan na maglalabas ang DepEd ng pinal na policy guidelines sa mga susunod na araw matapos ang konsultasyon sa mga stakeholder.
















