-- Advertisements --

Inalis na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red Alert sa Mindanao Grid nitong Lunes ng gabi, August 10, 2026.

Ayon sa NGCP, nakatakda sanang ipatupad ang Red Alert hanggang pasado ala-7:00 ng gabi.

Gayunpaman, nananatiling nasa ilalim ng Yellow Alert ang Mindanao Grid hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ayon sa NGCP, nagkakaroon ng Yellow Alert kapag hindi sapat ang operating margin para matugunan ang kinakailangang contingency ng transmission grid.

Patuloy namang mino-monitor ng grid operator ang sitwasyon upang matiyak ang katatagan ng suplay ng kuryente sa Mindanao.