May mga nakabinbin pang petisyon para sa umento sa sahod sa Central Luzon, kasunod ng mga naunang wage hike sa iba’t ibang rehiyon.
Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi pare-pareho ang itinataas na sahod sa bawat rehiyon dahil nakabatay ito sa pagsusuri ng mga regional wage board sa kalagayang pang-ekonomiya at iba pang salik na nakaaapekto sa mga manggagawa at employer.
Kaugnay naman ng wage hike sa CALABARZON, sinabi ng kalihim na maaari pa itong iapela sa loob ng sampung araw.
Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, may ilang labor union na nais pang itaas ang aprubadong dagdag-sahod na Php 45 kada araw, habang may mga grupong katanggap-tanggap na ito. Maaari itong idulog sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang anumang apela para sa muling pagsusuri sa naturang wage order.















