Target ng House of Representatives na silipin ang bank records ni Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng impeachment proceedings, ayon kay House Deputy Speaker Representative Paolo Ortega.
Sa isang statement, inihayag ng mambabatas na ang mga akusasyong idinulog sa ikaapat na impeachment complaint ay seryoso at nakakabahala, kung saan base sa ilang claims may mga bank account, properties at transaksiyon ng pera ang hindi umano nakadeklara sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente.
Sa ikaapat na impeachment complaint na inihain laban sa Bise Presidente noong Miiyerkules, inakusahan siya ng umano’y betrayal of public trust at culpable violation of the Contitution.
Ayon kay Ortega, kung minamandato ang public officials na ideklara ang lahat ng assets at mamuhay ng simple, maituturing umanong isang seryosong constitutional concern ang anumang ‘material omission,’ bagay na hindi aniya dapat balewalain ng Mababang Kapulungan.
Nilinaw naman ng mambabatas na hindi ito conviction, kundi isang proseso.
Matatandaan, lumobo ang net worth ng Pangalawang Pangulo ng mahigit 1,000% sa loob ng 17 taon, mula sa mahigit P7.2 million noong 2007 ay tumaas ito sa P88.5 million base sa kaniyang SALN noong Disyembre 31, 2024.















