Naniniwala si House Committee on Human Rights Chairman at Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na ang maagang pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte ng kaniyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2028 ay maaaring magbukas ng mas maraming isyu laban sa kanya.
Si Abante ang isa sa endorser ng inihaing ika-apat na impeachment laban kay VP Sara.
Ayon kay Abante, napakaaga pa ng anunsyo dahil may dalawang taon pa bago ang halalan sa 2028.
Giit ng beteranong mambabatas, hindi umano nito matatapos ang mga kontrobersiya. Sa halip, maaari pa itong magpalawak ng mga tanong at batikos laban sa kanya.
Dagdag pa ni Abante, nasa VP na ngayon ang responsibilidad na ipaliwanag sa publiko ang mga isyung ibinabato sa kanya at kung anong uri ng pamumuno ang maiaalok niya sa bansa.
“Napakaaga ng kanyang announcement,” he said, pointing out that there are still “two years” before the 2028 elections. Her announcement would open the Pandora’s box for everything. That will expose her publicly. And now it is up to her to be able to explain to the Filipino people,” pahayag ni Abante.










