-- Advertisements --

Binabantayan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang epekto ng ashfall sa sektor ng pangingisda sa Bicol Region.

Kung babalikan ay naitala ang malawakang ashfall o pagbagsak ng makapal na abo sa malaking bahagi ng Bicol Region matapos ang panibagong pag-alburuto ng bulkan, na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Sa ngayon ay wala pang nairerehistro ang rehiyon na labis na pinsala sa naturang sektor, lalo na sa probinsiya ng Albay na pinaka-apektado.

Gayonpaman, binabantayan ng ahensiya long-term effect ng asfall sa naturang sector, tulad ng mga sumusunod:

Pagbaba ng kalidad ng tubig dahil sa labis na bulto ng abo; pagbaba ng antas ng dissolved oxygen na kailangan ng mga isda; at ang epekto ng ashfall sa mga natural na pagkain ng mga isda.

Binabantayan din ng BFAR ang posibleng pagbaba ng pH o acidity ng tubig sa mga palaisdaan ma maaaring magresulta sa stress at mabagal na paglaki ng mga isda. (report by Bombo Jai)