-- Advertisements --

Ipapatupad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Manual Load Dropping (MLD) o rotational brownout sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa NGCP, kabilang sa mga maaapektuhan ng posibleng brownout ang ilang bahagi ng Ilocos Sur, Pangasinan, Isabela, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Batangas, Albay, at Metro Manila.

Sa Metro Manila, posibleng maranasan ang power interruption sa ilang lugar na sakop ng Manila Electric Company (MERALCO).

Kabilang din sa mga power distributor na apektado ang iba’t ibang electric cooperatives gaya ng ISECO, CENPELCO, DECORP, ISELCO 2, NEECO II Area 1, SAJELCO, ZAMECO I, PENELCO, BATELEC I, CANORECO, ALECO, at iba pa.

Nilinaw ng NGCP na maaaring kanselahin ang mga nakatakdang rotational brownout kung gaganda ang kondisyon ng power system, partikular kung bababa ang aktuwal na demand sa kuryente kumpara sa inaasahan.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na magtipid at gumamit ng kuryente nang maingat upang makatulong sa pag-stabilize ng supply ng enerhiya sa bansa.