Kinansela na ni Vice President Sara Duterte ang nakatakda sana nitong biyahe patungong Japan.
Ang nasabing kanselasyon ay isang araw matapos na ilabas ng Malacañang ang kaniyang travel authority.
Sinabi nito, nababahala siya sa kaniyang seguridad matapos na isapubliko ng Malacañang ang kaniyang mga biyahe.
Una ng sinabi ng Office of the President na sila ay naglabas ng travel authority noong Agosto 17 sa Bise President para sa personal na biyahe sa Japan mula Agosto 19 hanggang 24 na walang gagastusin ang gobyerno.
Subalit nitong Agosto 18 ay hiniling ng Office of the Vice President sa Malacañang na kanselahin ang travel authority matapos na magbago ang plano ng Bise Presidente.
Hindi naman na nagbigay pa ng anumang dahilan ang Bise Presidente sa pagkansela ng kaniyang biyahe.
















