Nananatiling nasa normal na kondisyon ang transmission lines sa mga lugar na apektado ng bagyong Basyang.
Sa inilabas na advisory ngayong Huwebes, Pebrero 5, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na may inilatag na precautions para maibsan ang epekto ng bagyo sa transmission facilities.
Kabilang dito ang pagtiyak na may magagamit na communications equipment, hardware materials at supplies na kailangan para sa pagkumpuni ng mga nasirang pasilidad gayundin ang pagdedeploy ng line crews sa strategic areas para sa agarang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente.
Alinsunod ang mga hakbang na ito at iba pang procedures sa Integrated Disaster Action Plan (IDAP) para matiyak ang kahandaan ng lahat ng power transmission facilities na inaasahang maaapektuhan sa pagdaan ng bagyo.















