-- Advertisements --

Naghahanda na rin ang mga kapulisan sa the Netherlands sa confirmation charges ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crime against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahan kasi nila na may ilang supporters ng dating pangulo ang magsasagawa ng pagtitipion sa lugar.

Bukod pa dito ay asahan rin ang mga anti-Duterte na magsasagawa rin ng pagtitipon at baka sila ay magpang-abot.

Mula noong makulong ang dating pangulo sa Scheveningen Prison ay ilang Pinoy na rin ang nagsagawa ng pagtitipon malapit sa lugar.

Magugunitang isasagawa simula Pebrero 23 hanggang 27 ang confirmation of charges laban sa dating pangulo.