-- Advertisements --

Makakaranas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan ang ilang parte ng bansa sa Christmas eve.

Ayon sa state weather bureau, maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dala ng easterlies ang mararanasan sa Bicol Region at Quezon.

Sa may Cagayan, Isabela at Aurora naman, magdadala ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan ang hanging amihan.

Iiral naman ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rains dahil sa amihan sa may Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabing parte ng Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa, makakaranas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng easterlies.

Patuloy naman na pinag-iingat ang publiko at bantayan ang lagay ng panahon para sa ligtas na selebrasyon ng Pasko.