-- Advertisements --
Nagpasalamat si Rep. Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list sa Land Transportation Office (LTO) sa desisyong limitahan lamang sa mga partikular at pangunahing lansangan sa Metro Manila ang pagbabawal sa e-trikes.
Ayon kay Ridon, tugon ito sa panawagan ng mga gumagamit ng e-trikes at e-bikes na gawing mas makatao at makatawid ang mga patakaran sa light electric vehicles (LEV), na mahalaga sa pang-araw-araw na transportasyon ng maraming Pilipino.
Dagdag pa niya, layunin ng Kongreso na makipagtulungan sa LTO at Department of Transportation sa pagbuo ng bagong polisiya para sa pagrerehistro at paglilisensiya ng mga LEV na higit sa 50 kilo, gayundin ang pagpapatupad ng road safety education para sa mga bibili at gagamit ng naturang sasakyan.
















