-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang konsultasyon ng Department of Education (DepEd) sa panukalang trimester school calendar.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, na base na rin ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tiyakin ang malawakang pagpupulong sa mga stakeholders bago ito tuluyang ipatupad.

Dagdag pa nito na nagkaroon ng mga magandang feedback itong nakukuha.

Paglilinaw ng Kalihim na ang trimester system ay nananatiling proposal at wala pang pinal na desisyon.

Layon ng panukalang trimester ay para hatiin ang school year sa tatlong bahagi ng mas mahabang pagtuturo at pagpapayaman ng kaalaman.