Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng nasa 14,600 na mga kapulisan ngayong Christmas season.
Ayon sa NCRPO, na kalahati sa kanila ay nakatalaga sa mga matataong lugar gaya ng pangunahing kalsada, train stations, malls, palengke at mga simbahan bago ang pagsisimula ng Simbang Gabi.
Habang ang kalahati o katumbas ng 7,287 ay magsasagawa ng routine law enforcement duties gaya ng checkpoint operations, border control , field inspections at rapid police response sa Kamaynilaan.
Sinabi rin ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin , nais nilang tiyakin na maging ligtas ang publiko sa pagsasagawa ng kanilang pag-shopping at ilang aktibidad ngayong Holiday Season.
Una ng rito ay naitala ng NCRPO ang pagtaas ng 31 percent ng mga kaso ng nakawan, shoplifting at snatching kumpara noong nakaraang taon.
















