-- Advertisements --

Nakipag-pulong si Education Secretary Sonny Angara sa 11 alkalde sa Metro Manila upang talakayin ang kakulangan ng halos 25,000 silid-aralan sa rehiyon.

Dito rin binigyang-diin ni Angara na mahalaga ang pagtutulungan sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan (LGUs) upang mabilis na malutas ang mga hamon sa edukasyon.

Ipinakita naman ng DepEd sa mga alkalde ng Metro Manila ang mga alituntunin o guidelines sa pagpapatayo at pagkukumpuni ng mga gusali ng paaralan at silid-aralan sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.

Sinabi ni Angara na nasasabik sila sa kolaborasyon na siyang susi upang mas mapabilis pa at mapahusay ang pagpapatupad ng mga proyekto sa paaralan.

Samantala, nag-utos na rin si Public Works Secretary Vince Dizon ng imbentaryo ng mga hindi pa tapos na silid-aralan.