-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacanang na hindi nila idineklara bilang holiday ang Pebrero 19 o pagsisimula ng Ramadan.

Ayo kay Palace Press Officer Claire Castro na wala silang anumang idineklarang holiday ngayong araw.

Pinayuhan nito ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumalat na balita online ukol sa pagdeklara ng holiday.

Magugunitang inanunsiyo ng Bangsamoro Grand Mufti na magsisimula ang Ramadan sa Pebrero 19 matapos na makita nila ang crescent moon.