Pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) ang posibilidad na gawing mandatory ang driver’s license para sa mga nagmamaneho ng two- o three-wheeled electric vehicles, ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao.
Sinabi ni Lacanilao na pangunahing isyu ang kaligtasan, lalo na kung ang mga e-trike o e-bike ay ginagamit sa mga pangunahing kalsada.
Aniya dahil dito, walang insurance ang mga sasakyang ito, kaya kung may aksidente, ang mga pasahero at ibang sangkot ay hindi makakakuha ng anumang insurance claim.
Plano rin ng LTO na palawakin ang mga kalsadang ipinagbabawal sa e-trikes at e-bikes. Kabilang dito ang Commonwealth Avenue sa Quezon City at Marcos Highway patungong Eastern Metro Manila at karatig na Rizal.
Ayon pa kay Lacanilao, ang Department of Transportation (DOTr) ay maglalabas ng memorandum circular na magtatakda kung sino ang kailangang magkaroon ng lisensya at alin sa mga unit ang kailangang irehistro sa LTO.
Nauna nang nagpatupad ang mga regulator ng pag-ban sa lahat ng e-trikes sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, na nakabatay sa mga alalahanin sa kaligtasan ng mga motorista, pasahero, at ibang gumagamit ng kalsada.
















