-- Advertisements --

Target na makalikom ng kapital para sa apat na kritikal na sektor ng bansa ang Maharlika Investment Corporation (MIC) matapos ang kanilang partisipasyon sa World Economic Forum (WEF) 2026 sa Davos, Switzerland.

Sa kauna-unahang pagkakataon, pormal na isinama sa opisyal na delegasyon ng Pilipinas ang MIC upang direktang makipag-ugnayan sa mga dambuhalang financial players sa mundo.

Ayon sa ulat, naging abala ang naturang korporasyon sa pakikipagpulong sa iba’t ibang institutional investors, sovereign funds, at mga potensyal na katuwang mula sa private sector.

Pangunahing ibinida ng MIC sa naturang forum ang mga oportunidad sa pamumuhunan sa Pilipinas, partikular na sa infrastructure, energy security, digitalization, at food security.

Layon ng hakbang na ito na makakuha ng pondo na magagamit sa mga proyektong magsusulong ng malawakang pagbabago sa ekonomiya.

Ang MIC ang nagsisilbing sovereign investment vehicle ng pamahalaan.

Mandato nito ang pag-mobilisa ng mga resources para sa mga priority investment ng gobyerno tungo sa pangmatagalang kaunlaran ng bansa.