-- Advertisements --
Aabot sa 40 katao ang nasawi at mahigit 115 iba pa ang sugatan sa naganap na sunog sa isang ski resort sa Switzerland.
Itinuturing ni President of the Swiss Confederation Guy Parmelin na ang naganap na sunog sa Crans-Montana Ski resort ay isa sa pinakamatinding trahedya na nangyari sa kanilang bansa.
Aabot pa ng ilang araw bago tuluyang makilala ang mga nasawing biktima habang ang mga sugatan ay patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.
Pinasalamatan ni Parmelin ang mga bansa na nagpaabot ng tulong para sa mga biktima ng sunog.
















