-- Advertisements --

Ibinunyag ng mga otoridad sa Crans-Montana sa Switzerland na ang nasunog na bar noong Bagong taon ay hindi nainspection sa loob ng limang taon.

Ayon kay Nicolas Féraud ang pangulo ng Crans-Montana, na labis silang nagsisi ng malaman ang nasabing pagkukulang nila.

Inako nila ang lahat ng responsibilidad at ang anumang kaparusahan ay kanilang tatanggapin.

Dagdag pa nito na ang konseho ay marapat na magsagawa ng inspections at pag-aaral sa lahat ng mga establishimento gaya ng bars at tignan ang mga lugar gaya ng kusina na maaring pagsimulan ng sunog.

Magugunitang aabot sa halos 50 katao ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan ng masunog ang ski resort habang nagdiriwang ng Bagong Taon.