Nasa kritikal parin ang kondisyon ang pinoy na si Kean Kaizer Talingdan, kung saan nananatiling ito nakadepende sa mechanical ventilator support para makahinga ng maayos matapos itong magtamo ng matitinding paso sa katawan dahil sa sunog na naganap sa Le Constellation bar sa Crans-Montana, isang ski resort sa Switzerland.
Ayon sa ina ng binata na si Kristal Talingdan, nagtamo si Kean ng matinding pagkapaso sa kanyang mukha, kaliwang bahagi ng katawan, dibdib at paa. At hanggang sa ngayon ay hindi parin tinatanggal ang mga nakalagay na bandages sa kanyang katawan matapos itong bigyan ng paunang lunas sa Zurich.
Dagdag pa ng ina, sa ngayon ay napanatag ang kanyang loob dahil hindi na pangunahing problema ang mga natamong paso ng anak at ang mahalaga ay buhay si Kean. Habang sa kasalukuyan ay sagot ng gobyerno ng italia ang pagpapagamot ng binata.
Samantala, sinabi din ni Kristal na maaga pa para tukuyin ang pagpapagaling ng anak, sa ngayon ay nakamonitor ang mga doktor sa kalagayan ni Kean partikular na sa mga posibling impeksyon. Habang malakas naman ang paniniwala ni Kristal na hanggat hindi magkakaroon ng lung infection ang anak ay may pag-asa itong makaligtas at gumaling.












