Opisyal nang kinumpirma ng Philippine Embassy sa Bern, Switzerland ang pagkakakilanlan ng isang 16-anyos na Filipino na si Kean Kaizer Talingdan, na iniulat na nawawala matapos ang sunog sa Crans-Montana bar noong madaling araw ng Enero 1, 2025.
Kasalukuyang naka-confine sa University Hospital of Zurich ang binatilyo at nasa stable na kondisyon na, bagama’t patuloy pa ring mino-monitor ng mga doctor dahil sa pinsalang natamo.
Nakikipag-ugnayan narin ang Embahada ng Pilipinas at ang Italian government sa mga awtoridad ng Switzerland para sa posibleng paglipat ni Kean sa Italy, depende sa resulta ng kanyang susunod na medical evaluation.
Ayon sa opisyal na ulat, 40 katao ang nasawi at 121 ang nasugatan sa nangyaring sunog.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ukol sa sanhi ng insidente, habang nahihirapan pa rin ang mga awtoridad sa pagtukoy ng pagkakakilanlan nang ilang biktima dahil sa tindi ng kanilang mga tinamong pinsala.











