-- Advertisements --
Naglabas ang mga otoridad sa Switzerland ng kanilang inisyal na dahilan ng pinagmulan ng malaking sunog isang ski resort na ikinasawi sa 40 na katao at ikinasugat ng mahigit 119 iba pa.
Ayon kay chief prosecutor Beatrice Pilloud na maaring nagmula ang sunog sa isang champagne sparkles na nailapit sa kisame ng Le Constellation bar sa Crans-Montana.
Nakita nila ang anim na bote na may nakasindi ng sparkles na maaaring itinaas na naging sanhi ng sunog.
Nakausap na rin ng mga otoridad ang mag-asawang French na may-ari ng bar at sila ay nakikipagtulungan sa imbestigasyon.
Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring sunog.










