-- Advertisements --

Pinanindigan ng nagpakilalang 18 mga dating Marines o sundalo ang mga nakapaloob sa kanilang isinumiteng sinumpaang salaysay sa Office of the Ombudsman.

Kabilang na rito ang pag-deliver umano ng male-maletang mga pera mula kay former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co pati sa ilang mga opisyal ng pamahalaan.

Maging mga mambabatas o kinatawan sa kongreso kasama si former Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.

Sa isang panayam kina Belnard Tube at Benny Bulontate, kabilang sa mga dating sundalo, sila’y nanindigan sa testimonyang naghatid ng mga maleta na puno ng pera sa bahay ng idinawit na dating kongresista.

Suportado anila ito ng mga larawan at tiniyak pang pagmamay-ari nito ang bahay.

Base sa ‘joint-affidavit’, sinasabing laman ng isang malaking maleta na idinedeliver ay higit-kumulang 50-70-milyon piso halaga habang ang maliliit nama’y nasa 15-25-milyon piso.

Si Quimbo ay naging miyembro ng naganap na bicameral conference committee at nagsilbing vice chairperson ng House Appropriations Committee sa naganap na deliberasyon ng 2025 national budget.