Hindi nagtagal angd eliberasyon ng House of Representatives sa panukalang pondo p[ara sa Office of the Ombudsman sa susunod na taon (2027).
Hindi pa kasi inabot ng limang minuto ang deliberasyon at approbado na sa plenaryo ang pondo ng Tanodbayan para sa 2027.
Humihingi ang naturang opisina ng P7.23 billion na budget para sa susunod na taon na magagamit sa mga programa nito tulad ng paghahabol sa mga opisyal ng gobiyerno na may pananagutan o pagkakasala.
Wala namang House members na kumuwestyon o humiling ng anumang clarifications sa naganap na maikling deliberasyon.
Nagsilbing sponsor ng budget si Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez, na hindi rin napigilang matuwa sa napakaikling deliberasyon para sa pondo ng Tanodbayan.
Sa sponsorship speech ni Rep. Rodriguez, binigyang-diin niya na layunin ng pondo ng Tanodbayan na palakasin at paigtingin ang kakayahan ng ahensya, lalo na sa mandato nitong maghabol at magsampa ng kaso laban sa mga















