-- Advertisements --
Binigyang linaw ng Malacañang na hindi deklaradong holiday ang Pebrero 18.
Ito kasi ang unang araw ng Ramadan ang siyama n buwan ng Islamic Lunar Calendar.
Sinabi ni Palace press officer Undersecretary Claire Castro, na walang anumang deklarasyon na holiday ang unang araw ng Ramadan.
Sa nasabing panahon ng Ramadan ay lahat ng mga Muslims sa buong mundo ay may ritwal na sinusunod gaya ng fasting mula umaga hanggang paglubog ng araw.
Kasabay din ng nasabing araw ay ang Ash Wednesday o pagsisimula ng Kuwaresma.
















