Bumwelta si Palace Press Officer USec. Claire Castro laban kay Vice President Sara Duterte kasunod ng umano’y malisyosong komento nito laban sa Pangulo at sa kaniya.
Ayon kay USec Castro hindi umano karapat-dapat hangaan ang isang lider na gumagamit ng paninira at insinwasyon sa publiko.
Sinabi ni USec. Castro napanood umano niya ang video at ang naging pagtawa ng Bise Presidente na may “halong malisya.”
Iginiit ni Castro na ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay isang mapagmahal na asawa at mabuting ama, kaya’t hindi dapat basta-basta binabato ng mga pahayag na aniya’y may bahid ng imoralidad.
Dagdag pa ng Palace Official, kung may dapat umanong pagtuunan ng pansin, ito ay ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ng Bise Presidente.
Pinatutsadahan ni Castro na maaaring kailangan umano ng “Comm 101” ng Bise Presidente upang magkaroon ng mas angkop na asal o maging statesman naman ito.
Valentines message ni Castro kay VP Sara “Spread love, not fake news, not immorality, don’t be a Chucky.!”
















