-- Advertisements --

Sinibak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez si Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) head Rayson Dela Torre.

Kasunod ito sa insidente ng pagpara niya sa isang ambulansya na may kargang pasyente sa kahabaan ng EDSA.

Hindi pinayagan ni Dela Torre ang pagdaan ng ambulansya kahit na pagdala ng pasyente at medical appointment.

Subalit iginiit ni Lopez na ang mga ambulansya ay pinapayagang dumaan sa EDSA Busway anumang kondisyon ng pasyente.

Tiniyak ni Lopez na patuloy ang gagawing imbestigasyon nito sa nangyaring insidente.