Hindi sang-ayon ang Automobile Association of the Philippines (AAP) sa panukala ng Department of Transportation (DOTr) na palawigin ang rehistro ng mga sasakyan ng hanggang limang taon.
Ayon sa grupo na magdudulot pa ito ng mas maraming problema kaysa sa solusyon mula sa dating tatlong taon.
Dagdag pa ni AAP President Augustus “Joe” Ferreria , na dapat na pagtuunan na ng pansin ng gobyerno ang pagpapaganda ng serbisyo gaya ng kung paano maresolba ang mahabang pila sa Land Transportation Office.
Maiipon din ang nasabing mga multa na pabigat sa mga may-ari ng sasakyan dahil sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) na ito ay ipapataw sa sasakyan at hindi sa mga drivers.
Magugunitang sinabi ng DOTr na bukod sa magpapaiksi ng pila ang nasabing panukala ay dito makikita kung hindi pa sira-sira ang mga sasakyan pagkatapos ng limang taon na ito ay irerehistro muli.
Target ng DOTr na ipalabas ang department orders kapag nagsagawa na sila ngpagpupulong ng LTO.















