Lumagda ang Pilipinas at Sweden sa isang grant agreement para bumuo ng national bus standards na layong gawing mas ligtas, maaasahan, at inklusibo ang pampublikong transportasyon.
Popondohan ng Swedfund ang pagbuo ng technical at performance standards para sa Public Utility Buses, kabilang ang mga minibus, na pinagsasama ang international best practices at lokal na pangangailangan.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, makatutulong ang proyekto upang mas mapabilis ang biyahe at mabawasan ang traffic. Sinabi naman ni Swedish Ambassador Anna Ferry na layon nitong pagandahin ang araw-araw na mobility ng mga Pilipinong commuter.
Susuportahan din ng grant ang Public Transport Modernization Program ng DOTr at mga pamantayan sa kaligtasan, accessibility, at environmental performance. (report by Bombo Jai)















