-- Advertisements --

Kinansela na ang concert ni Ed Sheeran sa Gillete Stadium sa Foxborough, Massachusetts.

Ayon sa organizers, ito ay dahil sa pagkakaroon ng sama ng panahon.

Una ng inilagay sa tropical warning ang Boston at ang New England dahil sa inaasahang sama ng panahon.

Dagdag pa ng organizers ay iniisip lamang nila ang kapakanan ng kanilang mga fans.

Tiniyak naman nila na kanilang ibabalik o irerefund ang pera ng mga nakabili na ng tickets.

Magugunitang ilang mga show ng English singer ay kinansela matapos na magkaroon umano sila ng hidwaan ng rapper na si Macklemore.