-- Advertisements --

Pumanaw na ang Oscar-winning Irish musician Glen Hansard sa edad na 56.

Ayon sa kaanak nito, nasawi ang singer matapos na maaksidente habang nagmo-motorsiklo sa Lower Road sa Lucan, west Dublin, Ireland.

Sumikat si Hansard noong nakasama siya sa musical comedy film na “The Commitments” noong 1991.

Siya ang frontman ng rock band na “The Frames”.
Mahigit tatlong dekada ang kaniyang career kung saan nagwagi siya sa Academy Award para sa “Best Original Song” noong 2008.

Taong 2016 ay nominado siya sa Grammy Awards bilang Album of the Year na “Didn’t He Ramble”.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pagpanaw ng singer kung saan nagpaabot ng kalungkutan sina Ed Sheeran at Bruce Springsteen.