-- Advertisements --
Itinanggi ng English singer na si Ed Sheeran na siya ang nagpaalis kay Macklemore sa kaniyang konsiyerto.
Sinabi nito na hindi dapat siya ang sisihin dahil wala naman sa kaniya ang desisyon.
Ayon pa singer na labis itong naaapektuhan sa gulo sa Palestine at Israel dahil parehas lamang ang mga ito na tao.
Si Macklemore pa mismo ang nakiusap kay Ed na kung maaari ay sumama sa konsiyerto.
Paliwanag nito na ang pahayag ni Macklemore ay hindi naman sa kaniyang show.
Magugunitang tinanggal ng organizer ng concert ni Sheeran si Macklemore dahil sa pro-Palestine comment nito.
















