-- Advertisements --
Ipagdiriwang ng legendary band na U2 ang kanilang ika-50 taong anibersaryo sa paaralan sa Dublin kung saan nabuo ang kanilang banda.
Sinabi ng kanilang bokalistang si Bono, na kaniyang naalala kung san tumakas pa sila sa laboratory ng paaralan.
Binigyang ng hero’s welcome ng mga mag-aaral ng Mount Temple Comprehensive ang banda.
Kinanta ng banda ang kanilang mga sikat na kanta gaya ng “With Or Without You”; “I Will Follow” , “Vertigo” at maraming iba pa.
Nagsimula ang banda noong 1976 kung saan dito ay pinasalamatan nila ang kanilang mga guro.
















