Pumalo na sa 9,000 kumpirmadong kaso at 4,300 ang nasawi sa Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo ayon sa estatistikang inilabas ng pamahalaan ng Congo nitong Martes, Oktubre 13.
Sa gitna ng paglaban ng kanilang lokal na awtoridad sa pagkontrol sa lumalaganap na virus, naitala ng Health Ministry ng Congo ang 9,066 na kaso ng Ebola at 4,381 katao ang nasawi sa nasabing sakit.
Ang kasalukuyang outbreak bunsod ng rare Bundibugyo variant ay kumalat na rin sa iba pang mga komunidad na nagdulot ng pagdami ng hot spots kung saan 65 health zones mula sa pitong probinsya ng Congo ang apektado.
Ayon pa sa awtoridad ng Congo, may mga hindi pa nakasamang kaso sa inilabas na estatistika ng kanilang pamahalaan dahil sa mga undetected cases.
Inungusan na rin ng kasalukuyang outbreak ang naunang 16 outbreaks ng Ebola sa Congo kung saan kabuuang naitala ang pagkasawi ng 11,000 dahil sa sakit.
Samantala, wala pang kaakibat na lunas o vaccine para sa nasabing variant ng Ebola. Patuloy naman ang pag-aaral ng mga eksperto para makabuo ng bakuna kontra-Bundibugyo.














