-- Advertisements --

Lumampas na sa 5,000 ang nasawi dahil sa Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo ayon sa inilabas na government data.

Umabot na sa 10,000 na katao ang naitalang infected simula pa noong Mayo. Habang wala pa ring aprubadong lunas o vaccines upang puksain ang pambihirang uri o strain ng Ebola virus na nagdudulot ng Bundibugyo virus disease (BVD).

Ayon sa tala ng mga awtoridad walo sa 26 na probinsya sa Congo ang apektado na ng Ebola virus, kung saan marami nang naitatalang nasawi sa labas ng treatment centers.

Itinuturing ito na ang pangalawa sa pinakamalaki sa buong mundo sa kasaysayan

Ang paglaganap ng Ebola outbreak ngayong taon ay itinuturing bilang pangalawa sa pinakamalaki sa kasaysayan ng mundo, kasunod lamang noong 2014-2016 na nakahawa ng halos 28,600, at kumitil ng halos 11,000 sa Guinea, Liberia, at Sierra Leone.

Noong nakaraang Linggo, ang Nigeria ang ika-apat na African country na napaulat na may kaso ng Ebola. Samantala, dumagdag din ang mga bansang Kenya at Uganda sa East African countries na nakapagtala ng Ebola case.