Naitala ng bansang Kenya ang ikatlong kaso ng Bundibugyo virus disease, isang uri ng Ebola, sampung araw matapos makumpirma ang unang kaso at pagkasawi sa lungsod ng Nairobi.
Ayon sa Ministry of Health ng Kenya, ang pinakabagong pasyente ay isang 65-anyos na babae na malapit na kamag-anak ng mga naunang kaso at kasalukuyan nang tumatanggap ng supportive care sa isolation facility.
May kaugnayan ang mga kaso sa malawakang pagkalat ng Ebola sa Democratic Republic of the Congo (DRC) na nakapagtala na ng mahigit 9,000 kaso at labis sa 4,300 na pagkasawi mula noong Mayo.
Tiniyak naman ng mga awtoridad sa Kenya na mababa ang banta ng pagkalat sa komunidad dahil na-quarantine na ang 127 sa 130 na nakatala nilang mga nakasalamuha ng mga pasyente.
Sa gitna ng pagdami ng kaso, nanawagan ang Africa CDC at gobyerno ng DRC ng ketahasang transparensya sa paggamit ng tulong pampinansyal matapos lumabas na mahigit $700 milyon sa donor funds na ibinigay sa mga aid group ang hindi pa naipapaliwanag.
Samantala, patuloy ang pagsisikap ng mga siyentipiko na bumuo ng bakuna para sa Bundibugyo strain habang pumasok na rin ang impeksyon sa ikawalong lalawigan ng DRC sa North Ubangi.















