-- Advertisements --
Nanawagan si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa mga lider ng iba’t-ibang bansa na resolbahin na ang anumang giyerang nagaganap.
Sa kaniyang talumpati sa 2026 United Nations General Assembly sa New York, umapela si Guterres sa mga world leaders na dumalo na gamitin ang pagtitipon para resolbahin ang giyerang nagaganap sa Gitnang Silangan.
Binigyang halaga din nito ang mga nagaganap na kaguluhan sa Gaza kung saan maraming mga mamamayan na doon ang nawalan na ng tirahan.
Mahalaga ng panagutin ang dapat may sala ng walang takot o pabor na kapalit para magkaroon ng tuluyang kapayapaan.
















