-- Advertisements --
Hindi inalintana ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang init na panahon para makapag-ensayo sa Las Vegas.
Nagsagawa ito ng shadow boxing at ab workout sa Raiders training facility sa Las Vegas.
Sa labas namang ng gym ay bahagyang nag-jogging ito ilang mga outdoor exercise.
Ian lamang ito sa huling workout na isasagawa ni Pacquiao ilang araw bago ang laban kay Mario Barrios na gaganapin sa araw ng Sabado.
Pinangunahan ng beteranong boxing coach Freddie Roach ang nagsasanay kay Pacquiao.
Pinagbigyan naman ng Pinoy boxing icon ang ilang mga fans niya na nag-abang sa labas ng gym para makapagpapicture.