Hindi pinaboran ng Sandiganbayan Third Division ang ikalawang Motion for Inhibition ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. laban kay Associate Justice Miranda dahil sa umano’y kawalan ng sapat na batayan.
Sa ikalawang mosyon ng kampo ni Revilla, sinabi nilang kapatid ni Justice Miranda si Atty Buenaventura Miranda, ang tumatayong legal counsel ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo. Kaugnay nito naghain si Revilla ng mosyon na humihiling ng hindi paglahok ni Associate Justice Miranda sa pagdinig sa kanyang kaso.
Sa isang resolusyon na inilabas noong September 24 ng ant-graft court, nakapailalim na walang legal na basehan para sa kusang hindi paglahok ng ni Atty. Mirand sa kaso ni Revilla.
“Justice Miranda must therefore proceed with his duty to sit and hear the subject case,” ayon pa sa nilalaman ng reolusyon.
Iginiit din ng dating mambabatas na ang naunang dissenting opinion ni Justice Miranda na tumututol sa kanyang plea for bail ay lubos na nakabase sa testimonya ni Bernardo.
Binigyang linaw din ng korte na walang personal o pinansyal na interes si Miranda sa law firm ng kanyang kapatid.
Kasalukuyang nahaharap sa kasong malversation si Revilla kaugnay sa umano’y maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.
















