-- Advertisements --

Pormal na ng nanumpa si dating Senator Manny Pacquiao bilang bagong kalihim at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission.

Pinagunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panunumpa sa tungkulin ng dating eight division world champion.

Sinaksihan din ni Cabinet Secretary Benhur Abalos ang nasabing panunumpa ni Pacquiao.
Papalitan ni Pacquiao si dating Secretary Lope Santos III.

Ayon sa Palasyo, na tiwala ang pangulo sa pamumuno ni Pacquiao para paigtingin ang paglaban sa kahirapan, pagsulong ng repormang panlipunan,paglapit ng mga programa at serbisyo sa mga komunidad sa buong bansa.

Si Pacquiao ay naging senador mula 2016 hanggang 2022 at naging miyembro ng House of Representatives mula 2010 hanggang 2016.

Tumakbo ito sa pagkapangulo noong 2022 kung saan katunggali nito si Pangulong Marcos.