-- Advertisements --

Hindi ikinaila ni World Boxing Council (WBC) Mario Barrios na ito ay kinakabahan sa nalalapit na laban niya kay Pinoy boxing champion Manny Pacquiao.

Sinabi nito na alam nito ang kasikatan ni Pacquiao kaya pinag-iigihan niya ngayon ang ensayo.

Giit pa ng 30-anyos na bbxer na hindi niya hahayaan na manaig ang tinatawag na legendary status ni Pacquiao.

Sa panig naman ng Pacquiao, na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang ensasyo kung saan tumitindi na ito habang papalapit na ang laban.

Mayroon record si Pacquiao na 62 panalo , walong talo at dalawang draw na mayrong 39 knockouts habang ang Mexican boxer ay mayroong 29 panalo, dalawang talo, isang talo na may 18 knockouts.

Huling lumaban si Pacquiao ay noong 2021 kung saan natalo ito sa kamay ni Yordenis Ugas.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa MGM Grand sa Las Vegas sa darating na Hulyo 20.