-- Advertisements --

Isinusulong ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro ang pagpapalakas at pati pagpapalawak ng ospital sa lungsod. 

Panawagan niya na mas mapagbuti ang pangangalaga sa mga pasyente nang bumisita sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ng Department of Health. 

Nakatanggap kasi sila ng ilang mga reklamo patungkol sa serbisyo nito kung kaya’t tiningnan ang kalagayan ng mga pasyente. 

Sinuri din ang mga pangangailangan ng ospital, partikular ang nakalaan pondo, mga pasilidad, manpower at serbisyong medikal. 

Kaya nama’y hinimok nito ang pamunuan ng ospital na unahin ang kapakanan at pangangailangan ng mga pasyenteng nasa kanilang pangangalaga. 

Bilang Vice Chairpeson ng Committee on Appropriations ng kongreso, titiyakin aniya na mabibigyan ito ng sapat na pondo para mapalakas ang serbisyo. 

Samantala, kasabay sa mga pag-ulan at pagbahang nararanasa, nagpaalala naman ang Departnent of Health hinggil sa pag-inom ng gamot na ‘doxycycline’.  

Anila’y dapat magpakonsulta muna sa pinakamalapit na health facility sa lugar upang mabigyan ng tamang reseta at pag-inom ng doxycycline. 

Binigyang diin ng kagawaran na sundin lamang ang dosage at paraan ng pag-inom na nireseta o ipinayo doktor. 

Habang hindi inirerekumenda ang nabanggit na gamot para sa mga buntis, nagpapasuso, at mga batang edad 8 pababa.