Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang patuloy na pagpapalakas ng seguridad sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, nagsagawa sila ng ilang hakbang upang higit na palakasin ang kaligtasan sa mga eskwelahan.
Kabilang na rito ang pagbili ng mga ‘metal detector’ para sa mga paaralan at pagkakaroon ng ‘workshop na layon maseguro ang kahandaan sa pag-iwas at pagtugon sakaling may insidente ng activee shooting.
Nagtalaga din ng karagdagang mga pulis at tauhan ng Office of Public Safety and Security sa paligid ng mga paaralan na makatutulong matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at nasa eskwelahan.
Pinaalalahanan naman ng alkalde ang mga magulang na kumustahin at pakinggan ang kani-kanilang mga anak alinsunod sa pangyayari.
















