Inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kabuuang P35.173 bilyong proposed budget para sa Fiscal Year 2027.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, gagamitin ang naturang pondo upang ipagpatuloy ang pangunahing operasyon ng ahensya at tugunan ang pangangailangan ng bansa sa national security, economic diplomacy, consular services, assistance to nationals, at organizational development.
Inihayag ito ni Lazaro sa budget deliberations ng ahensiya ngayong araw, kung saan sinabi niyang layunin ng DFA na maipakita sa mga mambabatas ang mga kinakailangang resources para maisagawa nang maayos ang mandato ng departamento.
Kasama rin sa budget proposal ang mga programa para sa consular services at pagpapaigting ng seguridad ng Philippine passport.













